Talaan ng Nilalaman
Ang blackjack ang pinakasikat at paboritong laro ng karamihan dahil sa kanyang simpleng mechanism ay nagbibigay daan sa mga manlalaro na gamitin ang kanilang diskarte at talino para manalo. Hindi ka lang basta maglalaro, kailangan mong sundan ang mga estratehiya at kailangan din ng diskarte para manalo. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng 7BET para sa higit pang impormasyon. Sa blackjack ang layunin ay makakuha ng isang kamay mas mataas sa kamay ng dealer ng hindi lalagpas sa 21. May iba’t-ibang estratehiya at diskarte na pwedeng gamitin para mapataas ng pagkakataon na manalo.
Ang manlalaro ay maglalagay ng pusta bago magsimula ang kada-round. Pagkatapos ay bibigyan ng dalawang card ang lahat ng manlalaro kasama ang dealer. Ang mga manlalaro ay may kakayahan na humiling ng karagdagang baraha, manatili sa dalawang baraha, magdouble down o magsurrender. Dapat malaman mo ang kung anong diskarte ang gagawiun mo sa bawat round ng blackjack. Dapat marunong kang magbasa ng mga senyales at tumaya ng tama. Ang pagkakaroon ng magandang diskarte, may alam sa mga patakaran at paglagay ng tamang taya ang susi para mapalakas ang pagkakataon na manalo sa blackjack.
Ang Patakaran ng 21
Ang blackjack ay kilala din sa tawag na 21. Ang isang manlalaro ay lalabanan ang dealer, kung sino ang makakakuha ng baraha na malapit sa 21 o mismong 21 ang mananalo. Ang pagkuha ng 21 ay hindi lang ang susi para manalo, dapat meron ka ding diskarte at tamang pagbabudget ng pera dahil ang blackjack ay hindi lamang tungkol sa pagtataya at pagsusugal. Meron itong Sistema at patakaran na dapat sundin para mapanatili ang patas na labanan sa pagitan ng manlalaro at dealer. Ang bawat card ay may katumbas na halaga ng kanilang numero, ang 2-10. Ang Jack, Queen at King naman ay may katumbas na 10 at ang alas ay 1 o 11 depende sa kagustuhan ng mga manlalaro.
Isa sa pinakamahalagang patakaran ay ang pagpili ng tamang diskarte kung hihinto o magpapatuloy pa. Ang mga manlalaro ay may kakayahan na humingi ng karagdagang baraha at ang tawag dito ay hit. Kung gusto ng manlalaro na manatili sa dalawang baraha ang tawag dito ay stand. Ang double down naman ay ang pagdodoble ng pusta at kukuha ng isang card lang at ang magsurrender, ibabalik ang kalahati ng taya at titigil na sa paglalaro para sa round na yun. Ang tamang desisyon sa bawat round ay pwedeng mag-iba base sa hawak na baraha at sa nakikitang baraha ng dealer.
Ang bawat casino ay pwedeng magkaroon ng iba’t-ibang regulasyon na dapat sundin, pwedeng silang magkaroon ng espesyal na patakaran sa paghahati ng kamay, pagbabayad ng bonus o iba pang pagkakaiba na pwedeng makaapekto sa laro kaya naman mahalaga na malaman mo muna ang patakaran bago magsimula ng laro dahil ang pagsunod ng patakaran ay isang factor para magkaroon ng malaking chance na manalo sa blackjack
Ang Mga Diskarte sa Blackjack
Ang paggamit ng tamang diskarte ay pwedeng magdulot ng malaking epekto sa pagkakataon na manalo. Ang basic strategy ay isang diskarte na nakabase sa mga stats at probability. Ito ay nagbibigay ng gabay kung ano ang tamang desisyon na gawin sa bawat round base sa card na nakuha mo at sa card na nakikita sa dealer. Ang paggamit ng basic strategy ay pwedeng mapabuti ang iyong desisyon at magbigay ng malaking pagkakataon na manalo. Ang isa pang sikat na diskarte sa blackjack ay ang card counting. Ito ay isang technique na ginagamit para malaman kung ang natitirang baraha ba ay papabor sa manlalaro o sa dealer. Ang mga manlalaro ay magbibilang ng mga baraha na lalabas sa laro para malaman kung ano pa ang natitirang baraha.
Ang card counting ay hindi madali at kailangan ng matinding concentration at mabilis na pagkakalkula. Maraming manlalaro naman ang gumagamit ng betting system bilang diskarte para mapalaki ang kanilang kita. Isa sa mga kilalang betting system ay ang martingale system na kung saan ay dinodoble ng manlalaro ang taya pagkatapos ng bawat talo. Ang manlalaro ay aasa na mababawi niya ang kanyang mga natalo kapag siya ay nanalo. Ito ay mapanganib at kinakailangan ng malaking pera. Mahalaga na may alam ka sa mga bawat desisyon na gagawin mo at maging maingat. Huwag kalimutan ang mga patakaran at diskarte para mapabuti ang pagkakataon na manalo.
Maging Responsable sa Pagsusugal
Hindi lang sa tamang diskarte makikuha ang panalo sa blackjack, kundi pati rin sa pagiging responsable at pagkakaroon ng disiplina. Kailangan marunong magbudget ng pera at taya. Bago magsimula ang laro, siguraduhin na meron kang limitasyon sa budget at mahigpit na sundin ito. Huwag lalagpas sa budget kahit anong mangyari. Kailangan magset din ng limitasyon sa pagtaya, huwag tataya ng mas mataas sa kaya mong maipatalo. Ang paglalaro ng blackjack ay kailangan ng focus at matalinong paggawa ng diskarte kaya dapat iwasan ang pag-inom ng alak bago at habang naglalaro para mapanatili ang focus sa laro at hindi madala ng emosyon.
Ang paglalaro ng blackjack ay nakakaalis ng stress at nakakapagpasaya sa atin kaya mahalaga na maging responsable sa pagsusugal para magkaroon ng magandang karanasan sa paglalaro. Magkaroon din ng limitasyon sa oras ng paglalaro, huwag gawing pangunaging gawain ang pagsusugal. Ito ay makakatulong para mapanatili ang balanse sa iyong buhay at maiwasan ang pagka-adik, kung maglalagay ng limitasyon sa oras ay maiiwasan ang paglalaro ng sobra sobra. Ang pagiging disiplinado at kalmado ay mahalaga para maiwasan ang paggastos ng malaki o pagtaya ng lagpas sa iyong limitasyon. Kailangan na maging handa din na tanggapin ang pagkatalo, hind isa lahat ng pagkakataon ay panalo ka. Mahalaga na matutunan na tanggapin ang pagtalo at huwag habulin ito. Ang responsableng pagsusugal sa blackjack ay para mapanatili ang magandang karanasan sa pagsusugal.
Konklusyon
Ang pagkapanalo sa blackjack ay kombinasyon ng talion at swerte. Kahit alam mo at gawin mo ang pinakamahusay na diskarte hindi mo pa din kayang kontrolin ang laro pero sa pagiging maingat sa pagpili ng mga diskarte at tamang pagbabudget ay siguradong makakakuha ka ng malaking chance na manalo at maeenjoy mo ang paglalaro. Tandaan, ang paglalaro ng blackjack ay hindi Negosyo o trabaho, ito ay libangan lang na may pagkakataon na kumita. Maging responsable at tandaan ang layunin ng laro na hindi lang basta manalo kundi ang mag-enjoy.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, Rich9 at JB Casino. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Oo, ang bilang ng mga deck ay maaaring makaapekto sa house edge. Sa pangkalahatan, mas kaunting deck ang ginagamit, mas mababa ang house edge. Kaya’t ang single-deck Blackjack ay mas pabor sa manlalaro kaysa sa multi-deck.
Ang pinakamahusay na oras para maglaro ng Blackjack ay depende sa personal na kagustuhan, ngunit marami ang nagsasabing ang mas tahimik na oras tulad ng umaga o maagang hapon ay mas maganda dahil mas kaunti ang distraksyon at mas madaling mag-focus sa laro.